Samahan Mo Ako Ngayong Gabi Tiktok Lyrics

Share This Post:

Samahan Mo Ako Ngayong Gabi Tiktok Lyrics sung by Rob Deneil represents the Tiktok Music Ensemble. The name of the song is Gabi.

Samahan Mo Ako Ngayong Gabi Tiktok Lyrics

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema

Halika muna’t magpahinga

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Nakakapagod na kasi nangyayari sa mundo ko
Ewan ko ba ba’t naging ganito ‘to
Pagkatapos ng isa, may susunod na dalawa
Walang katapusang paghihirap ‘to, oh

Buti na lang, nand’yan ka, aking laging sandalan
Ikaw lang at ikaw ang gusto ko na makasama
Ngayong gabi, ikaw ang gusto kong makatabi
Kakuwentuhan ng mga bagay o kaya magmuni-muni

Mga gulo sa isipan natin muna’y isantabi
Gumawa ng alaalang masarap na balikan
Pahiram ng orasan
Pwedeng akin muna ‘yan?

Kailangan ko lang ng ikaw
Ayoko munang mag-isa
Pwedeng dito ka muna?

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

‘Pag nand’yan ka, ako’y kumakalma
Ikaw lang ang bitamina
Sa gumugulo ng isip ko
Na hindi ko mapunto

Mahirap lang kasi, puno ka na ng problema
Hindi mo pa kasama ‘yung nagbibigay-ligaya
Kaya sana ako’y masamahan
Kahit isang gabi, ngayong gabi, ngayon lang, beh

Samahan mo kong lumayag patungo sa kahit saan
Sabay natin na balikan masasayang nakaraan
Kung pwede lang abutin tayo ng isang buwan
‘Wag ka sanang magsasawang ako’y pakinggan

Pangako ko, nandito lang ako sa ‘yo
Makikinig, mag-aalaga kahit ‘di hinihingi
Sana ngayon ay pwede ka
Kasi ako’y nangangamba, ah

Kailangan ko lang ng ikaw
Ayoko munang mag-isa
Pwedeng dito ka muna?

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Samahan mo naman ako ngayong gabi
Sabay natin palitawin mga ngiti
Kalimutan mga problema
Halika muna’t magpahinga

Video Song

This is the end of Samahan Mo Ako Ngayong Gabi Tiktok Lyrics.

If you have any suggestion or correction in the Lyrics, Please contact us or comment below.

Share This Post:

Leave a Comment