Kahel Na Langit Gwy Saludes Lyrics

Share This Post:

Kahel Na Langit Gwy Saludes Lyrics sung by Gwy Saludes represents the English Music Ensemble. The name of the song is Kahel Na Langit by Gwy Saludes.

Kahel Na Langit Gwy Saludes Lyrics

Sulyap sa ‘yo sa gitna ng katahimikan
Nakikinig sa pulso ng nararamdaman
Nagtama ang mga matang nagpapaisip
Kulay sa mga mukha ang sinag ng araw na sumisilip

Dumilim man ang buhay
Ika’y nariyan
Magkatabi’t sinisilayan ka

Kumakalma, nabubuhayan
Tuwing kasama kita sa…

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Kailan kaya maaamin?
Ang iyong damdamin
Aking napapansin

Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata mo

Nakikinig sa galaw mo ng gitara
Pansin ang kaba tuwing ika’y nasa aking tabi
Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
Hihiling na lang na sana’y ako ay huwag mong iiwasan

Sa liwanag ng araw
Ika’y nariyan
Magkatabi’t sinisilayan ka

Kumakalma, nabubuhayan
Tuwing kasama kita sa…

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Kailan kaya maaamin
Ang iyong damdamin
Aking napapansin

Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata…

Nagtatanong ang aking isipan
Nais mo rin ba akong mahagkan
Hanggang dito na lang ba
Ang ating pagkakaibigan?

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Sana’y malaman ko…
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam pagmamahal mo…

Kailan kaya aaminin
Ang iyong damdamin
Aking napapansin

Kulay kahel na langit
Ika’y sa ‘kin lumapit
bigyan ng pag-ibig mo

Video Song

This is the end of Kahel Na Langit Gwy Saludes Lyrics.

If you have any suggestion or correction in the Lyrics, Please contact us or comment below.

Share This Post:

Leave a Comment